hajji Walang ibang patutunguhan kundi sa kompromiso mauuwi ang planong pag-amiyenda sa mga probisyon ng 1987 Constitution.
Ito ang paniniwala ni Albay First District Representative Edcel Lagman matapos ihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Resolution of Both Houses of Congress upang pangunahan ang usapin sa pagbabago ng economic provisions.
Ayon kay Lagman, ang digmaan laban sa umiiral na Konstitusyon ay sa pagitan ng Kamara na ang isinusulong ay People’s Initiative para pag-isahin ang boto ng dalawang kapulungan at ang Senado na ninanais ang Constituent Assembly para sa hiwalay na pagboto.
Ngunit nakikita na ng beteranong kongresista na makapapasok ang “alien investments” at magbubukas ang ekonomiya dahil bibilisan ng Senado at Kamara ang pag-apruba sa constitutional amendment na may suporta ng mga mambabatas kahit ihiwalay ang voting procedure.
Ang magiging biktima aniya ay ang pamana sa bansa dahil luluwagan ang mga sensitibong enterprises tulad ng public service, education, media at advertisement at makokontrol ng mga dayuhan.
Dagdag pa ni Lagman, sa halip na Charter Change ay mas dapat tugunan ni Pangulong Bongbong Marcos ang krisis sa ekonomiya, agrikultura, food security, edukasyon, fiscal deficit, utang at pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home