hajji Tutol si Cagayan De Oro Second District Representative Rufus Rodriguez sa panawagang ibalik ang lumang school calendar sa Hunyo hanggang Marso mula sa kasalukuyang Agosto hanggang Mayo.
Ayon kay Rodriguez, hindi dapat hayaang magkasakit ang mga mag-aaral dahil kadalasang panahon ng tag-ulan ang isinusulong na lumang academic calendar.
Ipinaliwanag nito na base sa mga pag-aaral, mas kaunti ang bilang ng mga araw na nararanasan ang tag-ulan sa kasalukuyang school calendar kumpara sa dati.
Giit ng kongresista, hindi dapat mababad sa tag-ulan ang mga estudyante lalo't maituturing silang miyembro ng vulnerable sector.
Idinagdag pa ni Rodriguez na ang umiiral na school calendar ay alinsunod sa schedule ng klase ng maraming bansa.
Pinalalakas umano nito ang kolaborasyon ng local at foreign school sa sa Pilipinas at itinataguyod ang palitan ng pananaw ng mga faculty, personnel at student exchanges.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home