Monday, January 29, 2024

isa Hindi dadalo o sisipot ang mga opisyal at miyembro ng Kamara sa nakatakdang pagdinig ng Senado ukol sa mga alegasyon laban sa People’s Initiative o PI para sa isinusulong na Charter Change o Cha-Cha. 


Ito ang sinabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, kasunod ng “public invitation” ni Senadora Imee Marcos na siyang chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms at naghain ng resolusyon laban sa PI. 


Ayon kay Dalipe, bagama’t ikinalulugod nila ang imbitasyon ni Senadora Marcos, masyado aniyang maraming trabaho ang Kamara gaya ng pagbuo ng mga lehislasyon, at pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino. 


Giit pa ni Dalipe, ang kanilang trabaho ay “demanding task” at kailangang matutukan. 


Sa kabila nito, sinabi ni Dalipe na kung kakayanin naman ng legislative schedule ay handa naman ang mga kongresista na magkaroon ng diskusyon na bubuo at hindi wawasak sa kolektibong mga hakbang para sa pambansang interes. 


Muli namang diin ni Dalipe, walang kinalaman ang Kamara sa PI, taliwas sa mga paratang ni Senadora Marcos at ng iba pang politiko o grupo.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home