Tina Nanawagan si Manila 6th District Rep. at Metropolitan Bible Baptist Church senior pastor Bienvenido "Benny" Abante Jr sa mga lider ng bansa na iwasan ang paggamit ng panalangin para bigyang diin ang kanilang puntong pulitikal at laging panatilihin ang propesyonalismo.
Ito’y sa gitna ng umiinit na tensyon sa pagitan ng mababa at mataas na kapulungan ng kongreso ukol sa Peoples Initiative para sa Charter Change.
Paliwanag ni Abante , kapag nananalangin, direktang nakikipag-usap sa Diyos at ito’y sagradong paraan ng pagsamba, pagsisisi, at taimtim na pagsusumamo.
Hindi aniya ito ginagamit upang bigyang diin ang mga puntong pulitikal at bilang publiko at pribadong mamamayan aniya ay dapat pag-isipan ang responsibilidad na dala ng pananampalataya.
Giit ni Abante dapat hayaan na ang panalangin ay maging tunay na salamin ng nilalaman ng puso, pakikipag-usap sa Diyos at hindi para sa pansariling pakinabang.
Matatandaang nitong weekend lamang nang dumalo ang ilang mga senador sa isang Prayer and vision casting ng Jesus is Lord Church sa Norzagaray Bulacan kung saan nanalangin si Senator Imee Marcos na gisingin ng Diyos ang kanyang kapatid na si Pangulong Marcos Jr. at ilayo sa aniya’y mga demonyong nakapaligid sa palasyo.
==========================
Tina/ Jan 29
Nagpahayag ng kani-kanilang suporta ang mga kongresista sa Bagong Pilipinas campaign ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito’y matapos magkasa ng kick off rally sa Maynila ang Pangulo kasama ang kanyang mga supporters kahapon.
Ayon kay KABAYAN Partylist Representative Ron P. Salo sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap at pagkakaisa malalagpasan ng Pilipinas ang mga hamon at magbibigay daan ito sa mas magandang kinabukasan
Naniniwala si Salo na makakamit ang ‘ bagong pilipinas’ sa pamamagitan pagkakaisa kung saan ang lahat ng Pilipino ay gagawin ang kanilang bahagi.
Ayon naman kay House Ways And Means Chair Joey Sarte Salceda, hindi lamang isang slogan ang bagong Pilipinas kundi programa ng gobyerno na sumasalamin sa direksyon ng modernisasyon ng administrasyon at sa mga polisiyang prayoridad nito.
Una na ring nagpahayag ng kanyang suporta si House speaker Martin Romualdez sa nasabing kampanya at sinabing ito ang simula ng makabagong direksyon ng Pilipinas na hindi lang para sa atin ngunit lalong higit para sa mga kabataan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home