Monday, January 29, 2024

milks Speaker Romualdez may mensahe sa mga Duterte..



Hinamon ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Duterte na maglabas ng ebidensiya para patunayan ang kanilang mga alegasyon laban kay Pangulong Bongbong Marcos.


Ayon kay Romualdez, bago maghamon na bumaba na sa pwesto si Pangulong Marcos, nanawagan si Romualdez sa mga Duterte na maglabas ng ebidensiya o kung hindi, maituturing lamang anya itong “budol-budol stories”.


Reaksiyon ito ni Romualdez matapos hamunin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Marcos na mag-resign sa pwesto.


Sa alegasyon pa ni dating Pangulong Duterte, nasa narco list umano ng PDEA si Pangulong Marcos na mariing itinanggi na ng ahensiya.


Mensahe ng House Speaker sa mga Duterte, igalang ang presidente at tigilan na ang mga “budol-budol stories sa Davao” na malinaw anya na gawa-gawa lang.


Depensa pa ng pinsan ng Pangulo,  maaga ang panawagan na pabagsakin ang Marcos Jr. administration dahil unfair anya sa taongbayan ngayon at nakababangon na tayo sa epekto ng pandemya.


Paalala ni Romualdez kay Duterte, mag-ingat sa mga paratang dahil maraming reklamo sa nagdaang administrasyon hindi lamang umano sa katiwalian kundi sa diumano ay paglabag sa mga karapatang pantao. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home