hajji Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez ang buong suporta at pagbibigay ng prayoridad sa local jeepney manufacturers sa harap ng ikinakasang implementasyon ng PUV Modernization Program.
Sa pakikipagdayalogo ni Romualdez sa eFrancisco Motor Corporation at Sarao Motors, sinabi nitong mananatiling prayoridad ang gawang Pilipino dahil magbubunga ito ng maraming trabaho at iba pang pakinabang.
Kinikilala naman aniya ang kahalagahan ng foreign investments ngunit dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang maaasahan, matatag, ligtas at abot-kayang pamasadang jeepney na gawang Pinoy.
Binigyang-diin din ng House leader na mahalagang suportahan ang talentong Pilipino at ang pagkilala sa innovation na kayang gawin ng local manufacturers.
Malaki umano ang papel ng local jeepney manufacturers sa modernisasyon ng public transport.
Sa naturang dayalogo ay ibinahagi ni Elmer Francisco ang kanilang pakikipag-usap sa Maharlika Investment Corporation para sa posibleng pamumuhunan upang mapabilis ang PUV Modernization Program.
Kinumpirma ni Francisco na nagkaroon sila ng konsultasyon kasama si MIC Chief Executive Officer Joel Consing upang makakuha ng 200 million US Dollars o katumbas ng labing-isang bilyong pisong puhunan mula sa Maharlika Investment Fund.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home