isa Magdaraos ngayong Lunes ng isang pulong ang binuong Ad Hoc Committee ng Kamara, para sa isinusulong na paglilipat ng House of Representatives sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Sa abiso, ang pulong ay gagawin mamayang hapon, kung saan kasama sa diskusyon ang mga Department of Transportation o DOTr at Department of Public Works and Highways o DPWH.
Una rito, nagsagawa ng “survey” ang Kamara sa hanay ng mga empleyado nila kaugnay ng panukalang ilipat ang Kamara sa BGC.
Isang memorandum ang inilabas ni House Secretary General Reginald Velasco noong nakaraang linggo para sa survey.
At kabilang sa mga tanong ay kung pabor ba ang mga kawani na mailipat ang Kamara mula Quezon City tungo sa Taguig.
Ang deadline ng pagsagot sa survey form ay noong Sabado, Jan. 20. Pero hindi pa inilalabas ang resulta.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home