Friday, January 26, 2024

hajji Makasisiguro si Senate Minority Leader Koko Pimentel na walang partisipasyon ang mga kongresista sa isinusulong na People’s Initiative para maamiyendahan ang 1987 Constitution.


Ito ang tugon ni House Speaker Martin Romualdez matapos ihayag ni Pimentel sa isang panayam na may agam-agam ang mga Senador kung talagang “grassroots movement” ang ginagawang pangangalap ng pirma para sa PI.


Ayon kay Romualdez, walang pakialam ang mga senador at kongresista sa PI dahil hiwalay ito sa tatlong paraan ng pag-amiyenda sa Saligang Batas kung saan kabilang ang Constituent Assembly at Constitutional Convention.


Bahagi aniya ng kapangyarihan ng taumbayan ang PI at hindi kailangan ng Kongreso na magpasa ng resolusyon at panukalang batas pati na pagtatakda ng pagdinig.


Buwelta ni Romualdez, marahil ay mga multo ang nakikita ng mga senador na nagpapahayag ng pagtutol sa PI at sa signature campaign.


Dapat umano ay hayaan ang mamamayan na magpasya at kung may problema ang mga miyembro ng Mataas na Kapulungan ay maaari naman silang dumulog sa “proper venue” gaya ng Commission on Elections at mga korte.


Wala namang nakikitang problema ang House leader kung tutulong ang mga senador at kongresista na ipaliwanag ang PI sa kanilang constituents basta’t walang ginagamit na pondo ng gobyerno.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home