Inihain ni CIBAC party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva ang panukala para limitahan ang bilang ng baril at armas na maaaring irehistro ng isang indibidwal.
Sa kaniyang House Bill 9718, aamyendahan ang RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, partikular ang Section 9 paragraph 5.
Sa kasalukuyang, ang mga binibigyan ng Type 5 license o yung mga certified gun collector, ay maaaring magkaroon ng higit sa labinlimang firearms.
Punto ng mambabatas kada taon ay pumapalo sa mahigit 117,000 ang mga inidibdwal na nababaril kung saan 42, 654 dito ang nasasawi dahil sa gun violence.
Kaya naman marapat lang na maghigpit ang estado sa pag mamay-ari ng baril.
Tinukoy pa nito ang ulat na isang dating mataas na opisyal ng pamahalaan ang kumuha ng lisensya para sa higit 300 na baril bago ang pagbaba nito sa pwesto.
Sa panukala ni Villanueva, lilimitahan na lamang ito sa dalawampu ang firearm na maaaring irehistro sa Type 5 License.
Oras na maisabatas, ang mga may sobra sa 20 armas ay kailangang i-suko ang mga ito sa PNP-FEO.
Ibabalik din sa PNP-FEO ang sobra sa 50 rounds ng ammunition sa kada rehistradong armas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home