Buo ang suporta ni House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairperson Zia Alonto Adiong sa nilagdaang Administrative Order ni Pangulong Bongbong Marcos na magpapabilis sa pagbangon at reconstruction ng Marawi City.
Batay sa AO Number 14, pinatututukan ni Marcos ang rationalization ng tungkulin ng bawat ahensya ng gobyerno para mapadali ang rehabilitasyon ng lungsod.
Ayon kay Adiong, ang pagbawi sa AO Number 3 at 9 na bumubuwag sa Task Force Bangon Marawi pagsapit ng Marso ngayong taon ay sumasalamin sa commitment na magkaroon ng institutional stability at gawing simple ang mga pagsisikap ng pamahalaan.
Kinilala rin nito ang napapanahong pagsugpo sa bureaucratic redundancies para sa mas maayos at epektibong koodinasyon at tugon sa panngangailangan ng mga residente ng Marawi.
Sa ilalim ng AO 14 ay inaatasan ang mga ahensya ng gobyerno na makipagtulungan sa local government units upang masiguro ang agarang pagtatapos ng mga proyekto at aktibidad.
Bilang pinuno ng Ad Hoc Committee, tiniyak naman ni Adiong na makikipag-ugnayan sila sa executives kasabay ng pagkakaloob ng suporta, paglalaan ng resources at pagpasa ng mga polisiya na nakahanay sa rehabilitasyon sa pamamagitan ng comprehensive approach.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home