Pamumuhunan ng Maharlika Investment Corporation sa NGCP, iminungkahi ng House Speaker
Inirekomenda ni House Speaker Martin Romualdez kasunod ng blackout sa isla ng Panay at ilang probinsya sa Western Visayas ang pamumuhunan ng Maharlika Investment Corporation sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ayon kay Romualdez, ang naturang pamumuhunan ay maaaring magbigay ng mahalagang kapital para sa pag-upgrade sa mga imprastraktura at makatutulong sa pagpapababa ng halaga ng kuryente.
Naniniwala ang lider ng kamara na ang ganitong pakikilahok ay magpapahusay , magpapalago ng ekonomiya, seguridad sa enerhiya, suporta para sa renewable energy integration, at magpapataas sa pananagutan sa mga operasyon ng NGCP.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home