rpp Mga senador pag eleksyon lang kilala mga kongresista
Hindi nagustuhan ng mga kongresista ang pahiwatig ng mga senador na mas mataas ang mga ito kaysa sa kanila.
Sa isang press briefing, tinanong ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. ang kasama nitong si House Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez kung may nakasaad ba sa Konstitusyon na Upper House at Lower House?
Sagot ni Suarez, “wala.”
“Meaning to say parehas lang tayo. Baka sasabihin natin Lower House at Slower House. Hindi ko alam, pero wala akong sinasabing ganun, sinasabi lang sa labas yun. Pero sa Constitution walang lower house at upper house,” sabi ni Gonzales.
Nang mapag-usapan ang kabagalan, ikinuwento ni Suarez ang naging pahayag ng isang senador tungkol sa pagpasa ng Resolution of Both Houses No. 6, na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly.
“Sabi niya baka isang taon. Diyos ko po Rudy, isang taon pa! Do you understand my dear friends in media, baka isang taon pa? Number 8 na tayo sa kahulihan in Southeast Asia. Number 2 tayo sa baba. I mean what do you want to do with our country? Are we gonna focus on what’s trending in social media—in Facebook, in twitter, and in you tube and Instagram—or are we going to talk about issues that we need to talk about as public servants,” sabi ni Suarez.
Iginiit ni Suarez na ang pantay lang ang mga senador at kongresista.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home