hajji Plano ni House Speaker Martin Romualdez na pulungin ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth at Department of Health upang talakayin kung paano mapapalawak ang coverage ng benepisyo para sa mga miyembro.
Isinusulong kasi ni Romualdez na maitaas ang sinasagot na bayarin ng PhilHealth sa mga pasyenteng nasa pribadong ospital.
Nais nitong malaman sa mga opisyal kung magkano ang dapat matanggap ng mga miyembro na naka-admit sa pribadong ospital.
Marami aniya ang nagtatanong kung maaaring dagdagan ang sasagutin ng PhilHealth sa billing at doctors’ fees kapag pribado ang kinuhang kwarto o ward.
Sinabi ng House leader na karaniwang inirereklamo ng mga mahihirap na pasyente na umaabot lamang sa 15 hanggang 20 percent ang sinasagot ng PhilHealth sa hospital bills.
30 percent lamang umano ng mga bayarin ang sinasakop na subsidiya ng PhilHealth sa mga pasyenteng nasa pribadong ospital kabilang ang professional fees ng mga doktor at espesyalista.
Dagdag pa ni Romualdez, hindi lahat ng na-a-admit sa pagamutan ang nasa free o charity ward lalo’t mabilis na nauubos ang charity beds.
Hahanap umano ng solusyon ang Kamara na matugunan ang hiling ng taumbayan nang hindi na dumadaan sa paggawa ng batas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home