Tuesday, February 13, 2024

isa Ang Pilipinas ang isa sa mga bansa na pinaka-masikip na pasukin ng mga dayuhang mamumuhunan dahil sa mga restriksyon sa Konstitusyon. 


Ito ang pananaw ni House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda. 


Ayon sa kongresista na isa ring ekonomista, sa mga bansa sa buong mundo --- ang Pilipinas ang ikatlo sa “most restrictive economy” at ito ay dahil sa umiiral na 1987 Constitution. 


Ang problema kasi aniya, hindi pinapapasok ang mga posibleng magpalago ng ekonomiya, para magkaroon sana ng espasyo sa mas mataas na sweldo lalo na kung mataas ang productivity. 


Dagdag ni Salceda, dahil patuloy ang restriksyon sa pagpasok ng foreign investors, parang lumalabas na may takot tayo sa kanila. 


Sa kabila nito, sinabi ni Salceda na masya siya dahil gumagalaw na sa Senado ang Resolution of Both Houses no. 6 na nagsusulong ng pag-amyenda sa ilang economic provisions ng Konstitusyon. 


At pagdating sa Kamara, sinabi ni Salceda na inaasahang magkakaroon ng isang masiglang talakayan, lalo na sa usapin ng “land ownership.”


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home