isa Nais ni House Committee on Labor and Employment chairman Fidel Nograles na tuluyang nang maging batas ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD pogram.
Ayon kay Nograles, kahit na muling umaarangkada ang Pilipinas matapos ang ilang taong pandemya ng COVID-19, mabuting maging permanente na ang TUPAD program.
Matatandaan na inilunsad ang naturang cash-for-work program noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic upang matulungan ang mga manggagawa na nawalan ng trabaho.
Dito, ang mga benepisyaryo ay kinukuha para sa mga proyekto ng gobyerno gaya ng clean-ups, construction, tree planting at iba pa sa loob ng 15 hanggang 90-araw.
Pero punto ni Nograles, ang reyalidad ay laging mayroong susulpot na krisis na maaaring magresulta ng pagkawala ng trabaho sa iba’t ibang sektor.
Kaya naman kailangan ang TUPAD program para matiyak na makakatulong ang gobyerno sa mga empleyado sa panahon ng kagipitan o kalamidad.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Nograles na nagkasundo ang House Labor Committee na iko-consolidate ang iba’t ibang panukala na nagsusulong na maisabatas ang TUPAD program.
Ngayong 2024, ang programa ay mayroong alokasyon na aabot sa P30 billion.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home