isa Pinalagan sa Kamara ang mga naging pahayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva laban sa ilang partylist congressmen, sa gitna ng isyu ukol sa economic Charter Change o Cha-Cha.
Sa kanyang privilege speech, inalmahan ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang nakalipas na sinabi ni Villanueva, partikular dito ang “we cannot say na equal ang isang partylist representative sa isang senador.”
Ani Adiong, nagkamali si Villanueva sa kanyang pangmamaliit sa mga partylist representative.
Paalala ni Adiong, magkaakibat ang dalawang Kapulungan ng Kongreso sa pagpasa ng mga batas na ikabubuti ng ating bansa.
Aniya pa, hindi gagana ang Senado nang walang Kamara, at gayundin ang Kamara kung walang Senado. At ang mga senador at kongresista ay “equal public servants” habang ang publiko ang “superior” sa kanila.
Dagdag na punto ni Adiong, ang terminong “Mataas at Mababang Kapulungan” ay hindi mahahanap sa Konstitusyon.
At hindi rin aniya basehan ang bilang ng mga boto sa laki o liit ng mandato ng isang miyembro ng Kongreso.
Sa huli, sinabi ni Villanueva na kung mayroon mang hindi pagkakaintidihan, ituon na lamang ang pansin sa importanteng isyu at huwag idaan sa aroganteng pananalita.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home