isa Isang “unwise decision” kung isasabay ang plebesito para sa isinusulong na Charter Change o Cha-Cha sa nakatakdang Eleksyon 2025.
Ito ang sinabi ni House Deputy Speaker David Suarez, nang matanong ukol sa suhestyon ni Senador Sonny Angara na maisabay na ang Cha-Cha plebiscite sa halalan sa susunod na taon upang makatipid ng bilyong-bilyong piso.
Paliwanag ni Suarez, kung isasabay ang plebesito sa 2025 Midterm Elections --- mapo-politicize o mapupulitika ang Konstitusyon, kaya dapat gawin ito “alone” o nang mag-isa lamang.
Punto pa ni Suarez, kung isasabay ang plebesito sa halalang pang-lokal, dito na sasama ang “local issues,” may kasama ring damdamin, relasyon at iba pang bagay na hindi dapat ma-contaminate ang Saligang Batas.
Diin ni Suarez, ang pinaka-mahalaga sa lahat ay makapag-pasya ang taumbayan ukol sa Konstitusyon nang walang “bias.”
Rekumendasyon ni Suarez, agapan ito at huwag isasabay sa Eleksyon 2025 para ang atensyon ng mga tao ay nakatutok lamang sa iisang tanong --- kung sila ba ay pabor o hindi sa mga itinutulak na amyenda sa Konstitusyon.
Sa panig ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, huwag lituhin ang publiko sa isyu.
Napaka-importante aniya ng Konstitusyon at hindi ito ordinaryong batas na ipapasa, kaya naman marapat na bigyan na “focus” at huwag haluan ng iba.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home