Thursday, February 08, 2024

MGA PAGLABAG SA CYBERSECURITY LABAN SA MGA WEBSITES NG PAMAHALAAN, TINALAKAY NG KAPULUNGAN


Alinsunod sa direktiba ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, tinalakay ng Komite ng Information and  Technology (ICT) sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan nina Navotas City Rep. Tobias Tiangco at Komite ng Public Information, na pinamumunuan ni Agusan del Norte Rep. Jose Aquino III ngayong Miyerkukes,  ang mga paglabag sa cybersecurity sa mga mahahalagang internet domains ng pamahalaan. Inilarawan ni Tiangco ang mga nakaraang sunud-sunod na cyberattacks, bilang pampukaw sa pamahalaan na gawing prayoridad ang proteksyon sa digital na imprastraktura ng bansa. "The recent cybersecurity breaches have further highlighted the pressing need for enhanced security measures and vigilant monitoring to ensure the integrity of our critical information,” ayon sa kanya. Idinagdag ni Tiangco na ang mga paglabag na ito ay may kakayahan na pahintuin ang mga  mahahalagang serbisyo ng pamahalaan, malagay sa alanganin ang mga sensitibong datos, at lumikha ng delikadong epekto sa pambansang seguridad. Nanindigan siya na patuloy na nakikipag-ugnayan ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa Department of Information and Communications Technology (DICT), at mga cybersecurity consultants para matugunan ang mga usapin. Nagpasalamat si DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy sa Kapulungan, sa pagkilala sa pangangailangan na patatagin ang cyber domain ng pamahalaan laban sa mga cyberattacks, at sa pagsuporta sa badyet para sa cybersecurity ng DICT. Nangako rin si Dy na magsusumite ng ulat sa madalas na pag-atake laban sa opisyal na website ng Kapulungan. Itinala ng Philippine National Police (PNP) ang 64,077 kaso ng cyber crime cases. Ipinakikita sa Datos na unti-unting bumaba ang mga kaso mula Marso hanggang Disyembre 2023, na maaaring maiugnay sa pagsasabatas ng SIM Card Registration Law, at ang pinaigting na pagsisikap na palakasin ang kamalayan sa cybercrime. Ayon kay Police Major General Sidney Hernia, Anti-Cybercrime Group director,  alinsunod sa mga utos ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., inaasikaso ngayon ng PNP ang pagtatayo at pagpapatakbo ng kanilang sariling cybersecurity operations center.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home