isa Para kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, hindi pa dapat maging kampante sa naitalang pagbagal ng “inflation rate” o ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Ang pahayag ay kasunod ng nairekord na 2.8% inflation nitong Enero, na mas mababa kumpara sa 3.9% noong Disyembre.
Ayon sa lider ng Kamara, malaki ang naitulong ng mga hakbang at patakaran ng administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. patungkol sa inflation.
Ngunit aminado si Romualdez na may mga hamon pa rin, kaya naman kailangan na palakasin pa ang mga aksyon para maibsan ang inflation at iba pang nakaka-apekto sa “value chain” sa gitna ng global economic headwinds at climate change.
Pagtitiyak ni Romualdez, patuloy na makakatuwang ng pamahalaan ang Kamara para makahanap ng mga solusyon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home