Isa Malilibre na sa “professional exams” ang mga kwalipikadong mahihirap na Pilipino.
Ito ay kung maging ganap na batas ang House Bill 9859 o “Free Professional Examinations Act.”
Nakapasa na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang naturang panukala, na sinasabing malaking tulong sa mga estudyante o graduates mula sa mahihirap na pamilya na magkaroon ng mas malawak na “access” sa mga oportunidad sa trabaho.
Sa ilalim ng House Bill, maglilibre ang mga kwalipikadong “indigent examinees” sa pagkuha ng pagsusulit na hawak ng Professional Regulation Commission o PRC, at Civil Service Commission o CSC.
Ang Department of Social Welfare and Development o DSWD ang magkakaloob ng “certificate of indigency” sa mga indibidwal na maaaring maka-libre sa professional exams.
Nakasaad pa sa panukala na ang isang beses kada taon uubrang ma-avail ang naturang benepisyo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home