Thursday, February 22, 2024

Hajji Ibinida ni Majority Leader Mannix Dalipe ang performance ng Kamara sa pagpasa ng mga batas na bahagi ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC at priority bills sa nagdaang State of the Nation Address.


Sa isang statement, inihambing ni Dalipe ang 94.7 hanggang 100 percent na performance ng Kamara na malayo sa umano'y nakadidismayang 14.28 hanggang 45 percent ng Senado.


Ipapasa aniya ng Mababang Kapulungan ang nalalabing tatlong panukala na kinabibilangan ng proposed amendments sa Electric Power Industry Reform Act, Budget Modernization Bill at National Defense Act.


Ipinunto ni Dalipe na sa ilalim ng liderato ni Speaker Martin Romualdez ay ginampanan nila ang tungkulin sa pagsuporta sa legislative, prosperity at economic development agenda ng administrasyong Marcos.


Di tulad ng mga kasamahan sa Mataas na Kapulungan ay nagkaroon umano ng "sense of urgency" ang mga kongresista kaya natalakay at naaprubahan ang lahat ng priority bills ni Pangulong Bongbong Marcos samantalang halos lahat na sa LEDAC measures.


Lumalabas din umano na ang legislative performance ng Senado partikular ang approval rate ay wala pa sa kalahati ng pinakamababang passage level ng Kamara.


Limampu't apat na LEDAC priority measures ang naipasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa kung saan labing-isa ang naisabatas kasama na ang New Agrarian Emancipation Act at Maharlika Investment Fund.


Ilan naman sa labimpitong SONA priority bills na naaprubahan ang LGU Income Classification, at Ease of Paying Taxes Act.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home