Thursday, February 22, 2024

Isa 

Hindi mamadaliin at sa halip ay dadaan sa puspusang deliberasyon ang Resolution of Both Houses o RBH no. 7, na nagsusulong ng economic Charter Change o Cha-Cha. 


Ito ang tiniyak ng mga lider ng Kamara, kasunod ng paghahain ng RBH no. 7. 


Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, sa ngayon ay hindi pa nila masabi ang “timeline” para sa RBH no. 7, pero sigurado aniya na magdo-doble-kayod sila upang maipasa ito. 


Kung kailangan aniya ay palalawigin ang “working hours” ng Kamara. 


Sinabi naman ni House Deputy Speaker Tonypet Albano, hindi ipa-fast-track o ire-railroad ang naturang resolusyon. 


Magdaraos aniya sila ng serye ng mga pagdinig, kung saan iimbitahan ang mga eksperto, economic managers, business chambers, at kahit ang mga umaangal sa isinusulong na pag-amyenda sa ilang economic provisions ng Saligang Batas. 


Dagdag ni Albano, ima-marathon nila ang RBH no. 7 alang-alang sa bansa. 


Ang RBH no. 7 ay katulad ng RBH no. 6, na inihain at tinatalakay ngayon sa Senado, para sa isinusulong na economic Cha-Cha. 


Ayon kay Dalipe, wala nang pagkakaiba sa dalawang RBH para wala nang duda, iniisip o pangamba ang kanilang counterpart sa Senado.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home