Thursday, February 22, 2024

FEB 19

-Hajji-



Sinang-ayunan ni House Deputy Speaker Tonypet Albano ang pahayag ni dating Senador Panfilo Lacson na hindi kasama sa trabaho ng mga mambabatas ang pamamahagi ng ayuda.


Sa press conference sa Kamara, sinabi ni Albano na walang direktang partisipasyon ang mga kongresista sa distribusyon ng cash assistance gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS at TUPAD program.


Bawal aniya ang mga mambabatas na mamigay ng ayuda dahil gampanin ito ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development at naroon lamang sila para magmasid.


Bahagi umano ng oversight function ng mga kongresista na tiyaking naibibigay nang tama at sa nararapat na benepisiyaryo ang pondong inilaan para sa isang programa.


Giit ni Albano, hindi naman masama sakaling makita ang presensya ng mga senador o congressman sa pamamahagi ng tulong partikular ang Ayuda para sa Kapos ang Kita o AKAP program dahil sila ang lumikha nito upang ipatupad ng DSWD.


Samantala, tungkol naman sa sinasabing pagsingit ng AKAP sa 2024 National Budget, nanindigan si Albano na binasa nila nang mabuti ang bicameral conference committee report bago ratipikahan.


Punto nito, kung may problema ang ilang senador na hindi nila ito nakita sa budget, dapat ay naayos na bago pa ito lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home