tina Ipinanukala ni Deputy House Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar na mabigyan ng proteksyon , health at financial assistance ang manggagawang nangongolekta, nagtatapon, o namamahala ng mga basura o iyong mga waste workers sa buong bansa.
Sa ilalim ng House Bill No. 9806 na inihain ng mambabatas , isinusulong nito ang pagbalangkas ng isang programa para sa mga ito katuwang ang Department of Labor and Employment na siyang bubuo at mamamahala sa Waste Workers’ Health and Welfare program.
Layon ng naturang programa na pangalagaan at itaguyod ang mga karapatan at kapakanan ng mga waste workers
Partikular na dito iyong mga garbage collectors, tagalinis, tagakolekta, taga-transport o taga tapon ng mga basura, taga-recycle at iyong mga nagtatrabaho sa landfill at dumpsite
Giit ni Villar mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga ito para sa solid waste management , pagpapanatili ng malinis na kapaligran at kanilang malaking ambag para maprotektahan ang kalikasan
Gayunman batid ani Villar na karamihan sa mga ito ay hindi pinapahalagahan at hindi nabibigyang proteksyon
Kung tuluyang maisasabatas ang programa ang magbibigay ng sa mga ito ng health coverage at benefits katuwang ang philhealth, mga pagsasanay kaugnay sa trabaho, personal protective equipment, educational , hospitalization, financial assistance, at iba pang benepisyo sa mga ito
Magkakaroon din ng registration at Monitoring System kung saan lahat ng pangalan ng waste workers sa bansa ay kokolektahin at ilalagay sa isang database
wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home