Monday, February 12, 2024

kath Kapwa kinumpirma ng dalawang mambabatas na ekonomista ng Kamara na immediate o agad na mararamdaman ang positibong epekto ng economic charter change sakaling maaprubahan.


Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, agad bubuhos ang mga foreign investors na bibili ng shares.


Isa kasi aniya itong signalling sa mga foreign investors na bukas na ang Pilipinas.


Sa ngayon kasi maituturing na ‘patay’ ang ating stock market dahl puro mga Pilipino lang naman ang may shares dito.


Ang intermediate ang long term na epekto naman ay mararamdaman aniya sa pagpasok na ng foreign direct investments.


Maliban naman sa stock market, mas mapapadali na rin ani House Committee on Appropriations senior vice-chair Stella Quimbo ang panghihikayat ng Pilipina sa mga mamumuhunan.


Ngayon kasi aniya, kinakailangan pang magpadala ng malaking trade mission sa kada bansa sa pangunguna mismo ng Pangulo para lamang makahikayat ng mga mamumuhunan.


Kaya aniya kung titignan, kada bisita ng Pangulo sa ibang bansa ay nakakapag uwi naman ito ng mga investment pledges ngunit ‘retail’ o patingi-tingi lang.


Ngunit sa pamamagitan ng economic chachar, magiging ‘wholesale’ na ang ‘pagbenta’ ng Pilipinas para maka akit ng foreign investors.


##


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home