Monday, February 12, 2024

hajji Ngayon na ang tamang panahon para amiyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.


Ito ang iginiit ni Marikina City Second District Representative Stella Quimbo matapos ihayag ni Pangulong Bongbong Marcos na susuportahan nito ang Charter Change na limitado sa economic reforms.


Sa press conference sa Kamara, sinabi ni Quimbo na kakayaning tapusin ng Kamara at Senado ang pagtalakay sa Cha-Cha sa loob ng isang linggo kasunod ng posisyon ng pangulo.


Ipinunto ng kongresista na kailangan nang madaliin ang usapin dahil kung titingnan ang "timeline" ay kapos sa oras ang Kamara para sa economic Cha-Cha.


Kalahati aniya ng sesyon ng Kongreso sa isang buong taon ay nakatutok sa pambansang budget habang mahabang panahon din ang ginugugol sa priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC.


Binigyang-diin pa ni Quimbo na ang pagbubukas ng ekonomiya sa foreign direct investments ay hindi nangangahulugang inilalaglag na ang local stakeholders dahil poprotektahan nito ang mga industriya habang tumutugon sa economic opportunities.


Idinagdag naman ni Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na napapanahon ang economic Cha-Cha dahil napag-iiwanan ang Pilipinas sa paglaban sa malnutrisyon kumpara sa ibang mga bansa sa Asya at tumaas pa ang poverty rate na nasa 23 percent.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home