medAff DOTR PINAGSABIHAN NI ACOP NA AYUSIN ANG USAPIN SA MODERNISASYON NG MGA PUV
Sa pagpapatuloy ng motu propio na imbestigasyon ng Komite ng Transportasyon sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa kalagayan ng implementasyon ng programang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), ay nagpahayag ng pagkadismaya si chair Rep. Romeo Acop (2nd District, Antipolo City) na kinakailangang aksyunan at resolbahin ng Kongreso ang mga usapin sa programa.
"Kasi ang nangyayari kami na ang bastonero para gawin ninyo 'yung dapat ninyong gawin nang tama. And to tell you frankly, I'm sick and tired of that,” panggagalaiti niya. Sa pagdinig na dinaluhan ni Transportation Secretary Jaime Bautista, tinuligsa ni Acop ang Department of Transportation (DOTr) dahil sa kawalan ng malinaw na istratehiya sa PUVMP, at sinabing nasa 10% porsyento lamang ang progreso ng kanilang istratehiya ang nagagawa.
Pinagsabihan niya ang mga awtoridad na iprayoridad ang rasonalisasyon ng nga ruta, “para malaman ninyo ilang sasakyan ang tatakbo doon para kumita (ang mga transport cooperatives).”
Ang argumento ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez ay ang pagsasama-sama ng prangkisa ay dapat na boluntaryo, at binigyang diin na ang kabuhayan ng mga tsuper ng jeepney ay nanganganib.
"Kabuhayan po nila 'to e. As a matter of fact 'yung prangkisa nila inalagaan po nila for so many years. Kukunin po natin ang kanilang jeep, kukunin natin ang kanilang seguridad, kukunin po natin ang kanilang kabuhayan." Hinimok rin niya ang e DOTr na magsagawa ng maayos na paraan ng bidding at procurement, gayundin ang pakikipagnegosasyon sa halaga ng sasakyan upang maiwasan ang oportunidad sa maling paggamit at katiwalian.
"Can we possibly ask the leadership of the DOTr to make this a policy na ang mga kooperatiba magkaroon sila ng sariling bidding?” tanong niya, “Para hindi lamang 'yong mga opisyal ang nakikipag-usap dun sa mga manufacturing companies kung 'di mismo 'yong kanilang na-create na community under the cooperative, will be discussing the bidding process which is in relation to the Philippine Competition Commission (PCC) na sana idaan natin because public utility po ito."
Tiniyak ni Bautista sa mga mambabatas na ang mga lumang jeepney ay hindi ipe phase out hangga't walang nailalatag na aprubadong Local Public Transport Route Plan (LPTRP).
Kinumpirma niya na ang deadline sa konsolidasyon ay sa ika-30 ng Abril, kung saan ang mga prangkisa ng tsuper ay ililipat sa kooperatiba o sa isang korporasyon.
Kapag nabigo silang magsama-sama ay hindi na mairerenew ang kanilang indibidwal na prangkisa. "Our program’s number one objective is to see to it that we provide a very good service to our passengers.
Nakikita po namin with consolidation, there will be improvement in the service.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home