Thursday, February 08, 2024

medAff MGA PAG-AARAL SA PAGGAWA SA BANSA, INTER-ISLAND CONNECTIVITY AT SCORECARDS SA LIVABLE COMMUNITIES, IPRINISINTA SA PAGSASALIKSIK NG KONGRESO  


Sa ikalimang roundtable discussions (RTD) ng “Evidence-based Research Project," nakipagpulong ang mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa mga mananaliksik sa akademya ngayong Miyerkules, upang talakayin ang posibleng epekto ng imprastrakturang Roll-On / Roll-Off (RO-RO) sa lokal na ekonomiya, at oportunidad sa trabaho. Nakita ni Negros Occidental Rep. Francisco Benitez ang inter-island connectivity, sa imprastrakturang RO-RO, bilang lubos na napakahalaga sa rehiyon ng Visayas. 


Iminungkahi niya tingnan rin ang iba pang modelo, at ikonsidera ang mga mabibigat na kalagayan sa panahon, mga emergency sa kalusugan, at iba pa, na maaaring gamitn sa evidence-based policymaking. Ipinunto ni Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) Deputy Secretary General (DSG) Dr. Romulo Miral Jr., PhD, na bineberipika ng pagsasaliksik ang mga positibong epekto ng programa ng RO-RO, kabilang ang oportunidad sa trabaho sa iba’t ibang antas. 


Idinagdag niya na sa kasalukuyan ay may 50 ruta ng RO-RO na hindi pa nadadaanan, at nagprisinta ng potensyal na paraan para sa karagdagang trabaho para sa mga Pilipino. 


Ayon kay Philippine Institute for Development Studies (PIDS) Research Fellow Dr. Kris Francisco, ginawang mas mabisa ng programang RO-RO ang transportasyon. Hinimok niya ang mga mambabatas na isainstitusyon ang pakikipag-ugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan sa transportation infrastructure project planning, pagpapaunlad, at implementasyon, partikular na sa lokal at pambansang transport subsectors. 


Tinalakay rin nina Ateneo School of Government Dean Philip Arnold Tuaño at Professor Joselito Sescon ang "Outlook and Policy Options for Philippine Employment towards 2040," na nagsusulong ng pagpapaunlad ng national employment plan sa pamamagitan ng mga panukala mula sa Kongreso. 


Sa ikalawang bahagi ng RTD, iprinisinta ng Congress Fellow Researchers mula sa University of the Philippines na sina, Drs. Charina Amedo-Repollo, Jefferson Arapoc at Asa Jose Sajise ang kanilang pagsasaliksik sa "Scorecards for Livable and Sustainable Communities." 


Sinabi ni Repollo na ang bansa, sa kabila ng kakaibang ecosystems, ay nahaharap pa rin sa maraming balakid sa pandaigdigang environmental sustainability rankings. 


Tinukoy niya ang oil spills, pagkaubos ng endemic endangered species, at polusyon ng plastik bilang ilan sa panganib sa ecosystem ng bansa. 


Ayon pa sa kanya, may kahirapan ang pagtugon sa mga panganib na ito dahil sa kakulangan ng mga datos, at kailangan pang tukuyin ang mga ahensyang responsable sa naturang tungkulin. Iminungkahi ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo ang scoring system na parehong deretso at mabisang tumutuos sa kalidad ng mga livable communities. 


Ang Congressional Research Fellows ay kinabibilangan ng mga dalubhasa mula sa CPBRD, PIDS, Ateneo de Manila University at University of the Philippines.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home