Thursday, February 08, 2024

medAff SUPORTA NG MGA MAMBABATAS KAY SPEAKER ROMUALDEZ, MULING PINAGTIBAY


Pinagtibay ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Lunes ang House Resolution 1562, na pormal na nagpapahayag ng kanilang hindi matatawarang pagkakaisa at suporta sa liderato ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa kanyang paninindigan sa integridad at karangalan ng Kapulungan. 


Ipinahayag ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., na siyang nag-isponsor ng panukala, na ang magkakaibang opinyon at pananaw ay lubos na mahalaga sa proseso ng parlyamentaryo at senyales ng malusog at masiglang demokrasya. 


Subalit nalulungkot umano siya sa mga alegasyon na ibinabato ng ilang senador sa usaping hinggil sa people's initiative. 


Isinasaad sa HR 1562 na, “the Senate has adopted a confrontational stance by accusing the Speaker and the [House Members] of engaging in a fraudulent people’s initiative and alleging the bribery and government funds to unlawfully gather signatures.” 


Itinuturing ng mga mambabatas ang aksyong ng Senado na labag sa prinsipyo ng  inter-parliamentary courtesy at maling pakikialam sa tungkuling lehislatura at nasasakupan. Ipinaliwanag ni Gonzales na layong amyendahan ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 ang Konstitusyon para gawing mas investor-friendly at globally competitive ang bansa. 


"This initiative, in support of President Ferdinand Marcos Jr.'s agenda, was conducted with utmost legal and procedural integrity," giit niya. 


Tiniyak ni Gonzales na ang Kapulungan ay walang pagkakasangkot sa signature drive. Isinasaad sa HR 1562 na ito ay pinasimulan ng People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA), isang pribadong organisasyon. 


“Both Houses of Congress share the noble purpose of crafting a better future for our nation. It is with this shared responsibility that I call upon everyone to stand together as one and reaffirm our commitment to work for the betterment of the Filipino people,” ayon pa sa kanya. 


Tinuligsa rin ng ilang mambabatas ang mga alegasyon ng Senado, ng mga pinuno ng mga partido tulad nina Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr., Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Palawan Rep. Jose Alvarez, San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes, TGP Party-list Rep. Jose Teves Jr., Pangasinan Rep. Mark Cojuangco, Rizal Rep. Michael John Duavit, North Cotabato Rep. Ma. Alana Samantha Santos, at Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr. at nagpahayag ng kanilang suporta sa panukala. 


Pinangunahan nina Deputy Speakers Camille Villar at Raymond Democrito Mendoza ang sesyon sa plenaryo.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home