Friday, February 02, 2024

rye Speaker Romualdez, Tingog nagkaisa sa pagtulong sa mga biktima ng baha sa Davao 



Hindi nag-atubili sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at ang Tingog party-list sa pagtulong sa mga binahang residente sa Davao Region.


Agad na kumilos sina Speaker Romualdez, Tingog Partylist Rep. Yedda Marie K. Romualdez, at Jude Acidre upang makapagpadala ng 21,000 relief packs sa warehouse nito sa Tagum City.


Ang hakbang na ito ay akma sa Bangon Pilipinas initiative ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.


Ang gastos sa relief goods ay pinondohan ng personal calamity fund ni Speaker Romualdez.


Inendorso rin ni Speaker Romualdez at ng Tingog ang mabilis na pagpapalabas ng may 30,000 relief pack mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matulungan ang mga residente.


Bukod dito, itinulak din ni Speaker Romualdez ang pagpapalabas ng P150 milyong cash aid mula naman sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD para mapabilis ang pagbangon ng mga apektadong residente. (END)

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home