Friday, February 16, 2024

Milks Sen. Imee karapatan na imbestigahan ang AKAP program, pero huwag siraan ang layunin ng programa…



Mganda ang layunin ng AKAP o Kapos ang Kita Program at sana huwag naman itong siraan.


Ayon kay House Deputy Majority Leader Janette Garin, karapatan ni Senator Imee Marcos na imbestigahan ang programa pero sana huwag itong siraan.


Sabi ni Garin, welcome ang anumang imbestigasyon dahil mapatutunayan na wala itong anomalya.


Sa alegasyon ni Senator Imee, ini-uugnay ang AKAP sa People’s Initiative kapalit ng pirma sa isinusulong na Charter Change.


Unfair na i-ugnay anya ni Senator Imee ang AKAP sa P-I kasabay ang hamon na patunayan ito ng Senadora kung matutuloy ang banta nitong Senate inquiry.


Una rito, kinumpirma ni Garin na nakatanggap ang kaniyang distrito ng P10 million pesos na pondo para sa AKAP at sinisimulan na nila ang pagkuha sa  data base at pagtukoy sa mga target beneficiaries.


Para sa kanyang distrito, katulong o kasambahay ang magiging recipient ng AKAP.  


Layunin ng AKAP na bigyan ng tulong ang mga manggagawa na nasa katergoya ng “near-poor families” na may monthly income na P23,000 pababa.



(RHTV play file vid Garin, HRep presscon kahapon, thanks)


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home