powee DOTr NAGTALA NG MAHALAGANG YUGTO SA ₱873.6 BILYONNG PROYEKTONG NSCR-EX
Nagdiwang ng isang mahalagang yugto ang Department of Transportation DOTr sa P873.6 Bilyong Piso na North-South Commuter Railway Extension (NSCR-Ex) project noong ika-12 ng Pebrero 2024 sa pagsisimula ng unang bored piling works para sa South Commuter Railway Project (SCRP) sa Contract Package S-06 Cabuyao, Laguna.
Isang prayoridad na proyekto ng administrasyong Marcos ang NSCR na layuning magkonekta sa New Clark City sa Tarlac, at Calamba sa Laguna sa pamamagitan ng high-speed train.
Isinagawa noong nakaraang Lunes ang unang bored pile sa kabuoang 786 piles na itatayo para sa CP S-06 na may kontratang halaga na P25.83 B at may saklaw na 10.3 kilometro ng riles mula sa Cabuyao papunta sa Chipeco Ave. sa Calamba City.
Sa isang seremonya para sa inaugurasyon ng CP S-04, S-05, at S-06 noong Enero 10, 2024, sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways na si Jeremy Regino, na dahil sa pakikipagtulungan ng lahat ng miyembro ng ibat-ibang Project Management Offices (PMO) at mga stakeholders, malapit nang maisakatuparan ang vision ni ni DOTr Secretary Jaime Bautista para sa Comfortable, Accessible, Safe, Sustainable, at Affordable (CASSA) na transportasyon para sa mga Pilipino.
Inaasahang mababawasan ng NSCR ang oras ng paglalakbay mula sa New Clark City, Tarlac patungo sa Calamba, Laguna mula 4 na oras sa 2 na oras na lamang.
Ang NSCR ay may 36 na istasyon na nag-aalok ng iba't ibang serbisyo, kabilang ang regular na commuter, commuter express, at airport express lines patungo sa Clark International Airport.
Bukod dito, ang NSCR ay magko konekta sa Metro Manila Subway, isang proyektong umaabot sa 33.1 kilometro mula sa Valenzuela papunta sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na may 17 istasyon at isang depot.
-xxx-
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home