Thursday, February 15, 2024

Christian Yosores

Location: House of Representatives 

Mats: sent videos

Description:

Restrictions:

Instructions:


Lead in:

Ilang kongresista dinepensahan ang pondo ng Ayuda Kita sa Kapos Program (AKAP) ng DSWD matapos iugnay sa People’s Initiative.


Script:

Itinanggi ng ilang kongresista na may kinalaman sa People’s Initiative kaugnay ng isinusulong na Charter Change ang mahigit ₱26.7-bilyong pondo ng Ayuda Kita sa Kapos Program (AKAP) ng DSWD.


Ito’y matapos kwestyunin ni Sen. Imee Marcos at ilang senador ang nasabing pondo at akusahang ginamit para pondohan ang People’s Initiative.


Pinabulaanan ni Bataan Rep. Geraldine Roman na para sa People’s Initiative ang pondo ng AKAP dahil malinaw aniyang tapos na ang PI, matapos itigil ng Comelec ang proceedings kaugnay ng inisyatibo, gayundin na ipinatigil na ito ni Pang. Marcos, Jr.


Malaking kasinungalingan naman para kay Ako-Bicol Rep. Jil Bongalon ang pahayag ni Sen. Marcos dahil aprubado sa ilalim ng bicameral conference report ang AKAP.


Ganito rin ang pahayag ni 1-Rider Rep. Rodge Gutierrez na duda sa pagkagulat ng mga senador dahil may mga pirma sila sa bicam report.


Umapela rin sila sa mga senador na huwag sirain ang magandang layunin ng programa na makapagbigay ng dagdag na ayuda sa mahihirap at nangangailangang Pilipino.


Nanawagan si Roman sa mga senador na itigil na ang pagkaladkad sa kanila sa isyu ng People’s Initiative at tumutok sa trabaho para makapaghatid ng serbisyo sa publiko.


Nanindigan naman ang mga kongresista sa pagsusulong ng amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas dahil tiyak na magbubukas ito sa maraming oportunidad at paglago ng ekonomiya ng bansa.


END


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home