rye Lubos po tayong nagpapasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang walang sawang suporta sa mga pagsisikap ng House of Representatives sa pag-amyenda[han] ng mga economic provisions ng 1987 Constitution.
Ang mga provisions ito ay matagal na naging hadlang sa pagpasok ng mga dayuhang pamumuhunan sa ating bansa.
Kailangan natin ang mga puhunang ito para sa mas mabilis na pagunlad at paglago ng ating ekonomiya.
Layunin nating buksan ang ating ekonomiya sa mas maraming oportunidad na magaangat sa buhay ng bawat Pilipino.
Nananalig tayo na sa pamamagitan ng pag-amyenda sa mga restriktibong probisyong na ito magiging mas kaakit-akit tayo sa mga dayuhang pamumuhunan na magdadala ng mas maraming trabaho, dagdag na teknolohiya at higit sa kaunlaran ng ating bansa.
Sana ay makinig ang Senado sa panawagan ng ating Pangulo.
Umaasa pa rin kami na maipapasa nila ang Resolution Both Houses No. 6 sa Marso tulad ng napagkasunduhan ni SP Migs at SP Martin sa harap ng ating Pangulo.
Kung sa Oktubre pa nila ipapasa ito, para na rin nilang pinatay ang RBH No.6.
Matatabunan ito ng paghahanda para sa 2025 elections.
Sinabi ng ating chairman ng COMELE si George Garcia na hindi nila kayang pagsabayin ang eleksyon sa plebisito sa 2025.
So yan lang po maraming salamat.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home