LIMANG PORSIYENTONG DISKUWENTO PARA MGA MAHIHIRAP NA ESTUDYANTE, ISINUSULONG
Isa
Naghain si Bicol Saro partylist Rep Brian Yamsuan sa Kamara ng panukala na layong bigyan ang mga mahihirap na estudyante ng 5% na diskwento sa matrikula, school supplies at iba pang gamit sa eskwela.
Sa House Bill 1850 ni Yamsuan, isinusulong nito na masakop ang mga estudyante sa basic education, technical vocational at kolehiyo.
Sinabi ng mambabatas na kapag naging ganap na na batas ito, ang 5% discount ay para sa pagbili ng mga libro, pagkain, gamot at iba pang kailangan ng mga mag-aaral.
Bukod dito, may diskwento rin sa entrance fees sa mga museo, teatro, at cultural events.
Ang DEPED, CHED at TESDA ang tutukoy ng mga kwalipikadong estudyante para sa diskwento, at mag-iisyu ang mga ito ng ID bilang katibayan ng pagiging benepisyaryo.
(Habang ang mga lalabag ay papatawan ng multang P20,000 hanggang P250,000 at pansamantalang suspensyon ng license to operate.)
Tiwala si Yamsuan na sa pamamagitan ng pagsasabatas sa panukala ay mababawasan ang problema sa gastos ng mga estudyante na kapos at maipagpapatuloy nila ang kanilang pangarap na edukasyon.
Batay sa Philippine Statistics Authority o PSA, aabot sa 7.8 milyong Pilipino o 1 mula sa 5 Pinoy na edad 5 hanggang 24 ay hindi nakapag-aral noong 2022-2023 dahil sa iba’t ibang rason, kabilang na ang mataas na gastos o problema sa pera.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home