Friday, March 08, 2024

Hajji

Pagtutuunan ng pansin ng House Committee on National Defense and Security ang paglalaan ng pondo para sa pagbili ng advanced weapons at military hardware.


Ito ang tiniyak ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Representative Joey Salceda kasunod ng namataang presensya ng Chinese research vessels sa Philippine Rise nitong March 1.


Ayon kay Salceda, nakikipagtulungan siya sa chairman ng komite na si Iloilo Representative Raul Tupas para gawing mas madali ang pagpopondo sa mga armas at iba pang gamit ng militar.


Hindi na aniya sapat ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea kundi kailangan nang ipatupad ang karapatan sa teritoryo.


Mistulang ginagawa umanong "condominium" ng mga karatig-bansa ang WPS samantalang walang lugar ang China sa Philippine Rise  na tinawag pa nitong "intruders".


Naniniwala rin si Salceda na tama ang ginagawang hakbang o approach ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa pagpapalakas ng technological capabilities sa aerial at maritime patrolling.


Sa ngayon, naipasa na ng Kamara ang bersyon nito ng panukala at naghihintay ng bicameral conference committee kasama ang Senado.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home