Hajji
Imposible ang pinalulutang na posibilidad ng mga miyembro na Makabayan Bloc na maisisingit pa ang amiyenda sa political provisions ng 1987 Constitution.
Ito ang ginarantiya ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin bago isalang sa second reading ang Resolution of Both Houses Number 7 sa susunod na linggo kung saan papasok ang "period of amendments".
Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni Garin na nakausap niya ang halos lahat ng kongresista na sumusuporta sa economic Charter Change at tiniyak nilang limitado lamang ito sa economic provisions.
Maaari aniyang mayroong magdagdag ng proposed amendments pero sa usapin ng ekonomiya tulad ni Cagayan De Oro City Representative Rufus Rodriguez.
Siniguro rin ni Garin na hindi maglolokohan sa plenaryo ang mga mambabatas at ang masusunod ay ang boses ng taumbayan at mga miyembro ng Kongreso kaya walang dapat ikatakot.
Dagdag pa ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, sa deliberasyon pa lang sa Committee of the Whole ay malinaw na walang lugar ang political amendments dahil ang mga inimbitahang resource speakers ay eksperto sa ekonomiya.
Anne
Pinawi ng house leaders ang pangamba ng mga Makabayan lawmakers na posibleng magkaroon ng singitan habang tinatalakay sa plenaryo ang RBH no. 7 na nagsusulong na amyendahan ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.
Sa susunod na linggo tatalakayin na sa plenaryo ang RBH No.7 para maaprubahan na ito sa second reading.
Nagpahayag ng alalahanin ang mga Makabayan Bloc lawmakers na baka masingitan ng iba pang economic amendments at posibleng isama na rin ang political amendments.
Ayon kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, ang ilang linggong pagtalakay sa RBH No. 7 ay patunay na nakatuon lamang sa restrictive economic provision ng Saligang Batas.
Hinimok naman ni Adiong ang Makabayan Bloc lawmakers na magtiwala dahil kung ano ang napa-usapan ay lamang ang gagawin.
Giit ni Adiong na hindi tayo makakausad kung palagi na lamang may mga pagdududa.
PAHAYAG NI LANAO DEL SUR REP. ZIA ALONTO ADIONG -AV-1
Sa panig naman ni Quezon City Representative Marvin Rillo na malabo maisingit ang political agenda sa isinusulong na Charter Change.
Pagtiyak pa ni Rillo na siya mismo at ang iba pang mambabatas ay tatayo at tututol sakaling ipilit ang political agenda.
Dagdag pa ng Kongresista, malabo ang pahayag ng Makabayan Bloc na magkaroon ng inflation sakaling maamyendahan na ang economic charter.
Ang tototo mas magbubukas ang ekonomiya ng bansa dahil maraming mga dayuhan na ang mag invest ng negosyo, ang resulta ay magkakaroon ng maraming trabaho.
Layon din ng economic charter na hindi magkaroon ng monopolyo sa mga malalaking negosyo na sila lamang ang makinabang aniya may kompetisyon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home