Friday, March 01, 2024

MGA MAMBABATAS, KUNTENTO SA PROSESO NG DELIBERASYON NG RBH 7


Nagpahayag ang mga mambabatas ngayong Martes sa isang pulong balitaan, na kuntento sila sa proseso ng Kamara sa pagpupulong bilang committee of the whole sa deliberasyon ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 7, na nagpapanukala ng mga amyenda sa mga Articles XII, XIV at XVI ng 1987 Konstitusyon. 


Ayon kay PBA Party-list Rep. Margarita "Atty. Migs" Nograles, tinatanggap nila ang lahat ng mga mungkahi mula sa mga inanyayahang resource persons, maging ito ay kontra o suporta sa mga amyenda sa Konstitusyon. 


"We of course welcome the stand of those who are against it because we have to consider different things. Kung one-sided lang puro lang for support, siyempre we will not be able to balance kung ano 'yong side and ano 'yong stance ng mga against this," aniya. 


Sang-ayon rin si Minority member at 1-RIDER Party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez sa maayos na pakikitungo ng liderato na ibinibigay sa kanilang mga kapwa miyembro sa deliberasyon ng RBH 7. 


"I would say at least consistent po 'yong House when they promised an exhaustive and informative deliberation of this RBH 7. So I can express nothing else but joy perhaps and it's a very welcoming development where we're headed, how we are conducting (discussions over) RBH 7," aniya. Hinimok rin ni Gutierrez ang kanilang mga counterparts sa Senado na kumpletuhin ang kanilang mga deliberasyon bago ideklara ang sine die adjournment, at binanggit ang mga ulat sa balita na nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawin ang plebisito kasabay ng 2025 midterm elections. 


Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang gagawing plebisito sa susunod na taon ay isang malinaw na palatandaan na ang Charter change ay prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Marcos. 


Sinuportahan niya ang panawagan ni Gutierrez sa Senado na madaliin ang mga diskusyon sa RBH 6 na inihain sa Senado sa parehong paksa, upang maiwasan na mapolitika ang diskusyon sa panahon ng pangangampanya sa darating na midterm elections sa susunod na taon. 


“If we want to pass that and then (hold a referendum) simultaneously doon sa holding of the election, this will open up to several political interpretation and this might be used as a political campaign at masisira po yung pinaka-intention ng administration," ani Adiong. 


Bukod sa iba’t ibang opinyon at oposisyon sa economic charter revisions, nakikita rin ng mga mambabatas ang mga potensyal na hamon sa konstitusyon na maaaring lumabas sa panahon ng diskusyon sa RBH. 


Nagpahayag si Gutierrez ng kanyang pasasalamat sa mga mungkahi na ibinigay ng mga resource persons, at sinabing ang pagtalakay sa mahalagang lehislasyon ay madalas na nagdadala ng matinding pagsubok. 


Naninindigan ang mga mambabatas na uusad tungo sa kaunlaran ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home