Thursday, April 25, 2024

DAGDAG SUPORTA SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA, SOLUSYON SA INFLATION-REP LEE

Hinilayat ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang pamzahalaan na dagdagan pa ang suporta sa mga magsasaka at mangingisda upang mapalakas ang lokal na produksyon at epektibong masolusyunan ang inflation.


Ito ay matapos inilabas Administrative Order Number 20 ni Pangulong Bongbong Marcos na nag-aatas na i-streamline ang administrative procedures at policies sa pag-aangkat ng agricultural products at tanggalin ang non-tariff barriers.


Sinabi ni Lee na maituturing na short-term solution ang AO bagama't nauunawaan nito na ang layunin ay mapababa agad ang presyo ng bilihin.


Nginit sa kanya, ang pangmatagalang solusyon sa inflation ay ang dagdag na tulong sa local food producers dahil hindi maaaring habambuhay na lang na aasa sa pag-aangkat ang bansa.


Hindi aniya makokontrol ang export policy ng ibang bansa na anumang oras ay maaaring maghigpit o magbago depende sa mga pangyayari gaya ng kalamidad o kaguluhan.



(Paliwanag pa ng kongresista, dapat pabilisin ang paghahatid ng ayuda, bigyan ng access sa murang farm inputs at dagdagan ang post-harvest facilities.


Mainam din umano na bilhin ng gobyerno ang palay ng mga magsasaka sa mas mataas na presyo upang masiguro ang kita at sugpuin ang talamak na agri-smuggling.)



Giit ni Lee, hindi pa man nagagawa ang lahat ng hakbang upang pag-ibayuhin ang local productivity ay importasyon na agad ang nakikitang sagot gayong dapat ay sa panahon lamang na matindi ang pangangailangan.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home