Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na magdadala ng maraming trabaho sa bansa ang suporta ng Estados Unidos at Japan sa expansion ng microchip industry at pinalakas na digital connectivity.
Sa inilabas na Joint Vision Statement sa makasaysayang trilateral meeting, sinabi nina Pangulong Bongbong Marcos, US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida na isusulong nila ang bagong semiconductor workforce development initiative.
Ayon kay Romualdez, tiyak na mararamdaman ang investments, paglikha ng trabaho at business expansion partikular sa larangan ng online at IT-related enterprises.
Sa ilalim kasi ng inisyatiba ay magkakaroon ng oportunidad ang mga Pilipinong mag-aaral na sumabak sa world-class training sa nangungunang American at Japanese universities upang itaguypd ang semiconductor supply chains.
Inihayag ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng ITSI Fund ay makakamit ang produksyon ng 128,000 semiconductor engineers at technicians pagsapit ng taong 2028.
Bukod sa pag-develop sa industriya, idinagdag ni Romualdez na ang kolaborasyon sa US at Japan ay magreresulta sa pagbabahagian ng teknolohiya upang tiyakin ang ligtas, maaasahan at mapagkakatiwalaang information communications technology ecosystem sa Pilipinas.
Bahagi aniya ng Joint Vision Statement ang pagkakaloob ng 8 million US Dollars para sa Open Radio Access Network field trials at Asia Open RAN Academy na nagpapahintulot sa interoperation sa pagitan ng cellular network equipment.
Target umano ng bansa na ikasa ang Open RAN sa national broadband program at free Wi-Fi project.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home