Friday, April 12, 2024

Ipinanawagan ni House Assistant Majority Leader at Zambales First District Representative Jefferson Khonghun ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa umano'y gentleman's agreement sa pagitan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping patungkol sa West Philippine Sea.


Sa isang statement, kinondena ni Khonghun ang kasunduan na aniya'y nakababahala dahil nakokompromiso ang teritoryo at soberanya ng bansa.


Hindi aniya dapat ipinapasok sa sikretong kasunduan ang integridad ng soberanya ng Pilipinas na sumisira sa karapatan ng mga Pilipino sa hurisdiksyon sa WPS.


Paliwanag ni Khonghun, marapat lang na maliwanagan ang lahat ukol sa gentleman's agreement dahil mahalaga ang transparency at accountability sa usapin ng pambansang soberanya at seguridad.


Karapatan din umano ng taumbayan na malaman ang katotohanan at panagutin ang sinumang responsable sa anumang hakbang na maglalagay sa alanganin ng pambansang interes.


Umaasa ang kongresista na sa gagawing pagdinig ay magiging malinaw at mailalatag ang "decisive measures" upang tumindig para sa interes ng bansa sa WPS.


Dagdag pa nito, nangangamba ang publiko sa posibleng maging epekto ng anumang sikretong kasunduan partikular sa isyu ng soberanya kaya bilang public servants ay dapat tiyaking natutugunan ang kanilang hinaing.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home