Friday, April 12, 2024

pinapahanda na agad ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa Department of Agriculture o DA ang Quick Response Fund (QRF) na bahagi ng calamity funds ngayong taon.


ayon kay Lee, para ito sa mga isinailalim at isasailalim pang mas maraming lugar sa state of calamity dahil sa matinding tagtuyot na lubhang nakakaapekto sa mga magsasaka.


Tinukoy ni Lee na sa ngayon ay nasa 20 local government units (LGUs) na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño Phenomenon at inaasahang madadagdagan pa ito sa darating na mga linggo.


Kaya giit ni, dapat siguraduhin ng DA na ready for release at download sa kanilang regional offices ang QRF kapag nagdeklara na ng state of calamity ang mga LGUs para mabigyan ng agarang ayuda ang mga apektadong magsasaka sa naturang mga lugar.


binigyang diin ni Lee na patuloy na mahihirapan ang mga magsasaka sa kanilang produksyon hangga’t hindi sapat ang irigasyon kaya dapat ay maging proactive tayo at hindi reactive dahil buhay at hanapbuhay ang nakataya dito.

###


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home