Nakapulong na ng Kamara ng pinuno ng North at South Luzon Expressway pati ang Toll Regulatory Board upang mabigyang linaw ang nangyaring traffic fiasco noong Holy Wednesday sa NLEX.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, inamin ng NLEX na hindi kinaya ng kanilang toll booth ang bugso ng mga motoristang dumaan.
Bumuhos kasi ang mga sasakyang dumaan noong araw na iyong sa NLEX ng hanggang 87,000 gayong nasa 30,000 hanggang 40,000 lang ang kanilang kapasidad.
Maliban dito, mayroon tig-limang libong sasakyan na kulang o walang load ang RFID o kaya naman ay palyado na ang RFID sticker na nakadagdag sa bigat ng daloy ng trapiko.
Kaya naman magandang oportunidad ang ipinatawag na pulong dahil mayroon naman na palang mga ikinakasang plano at solusyon ang NLEX, SLEX at TRB para dito.
Kabilang sa mga solusyon ang barrierless toll o yung Multi-Lane Fast Flow (MLFF) at pagkakaroon ng elevated road sa Balinatawak hanggang Bocaue.
Kasama rin sa solusyon ang pagbibigay kapangyarihan sa NLEX at SLEX an mag-issue ng ticket violation sa mga motorista na dadaan ng expressway na walang load ang RFID.
Pangako naman ni Tulfo na ilalapit din ng Kamara ang naturang mga solusyon sa DPWH at sa Department of Transportation upang agad maaksyunan at maipatupad.
##
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home