Thursday, April 11, 2024

Malakas at malinaw na mensahe ng pagkakasundo ng mga bansa tungo sa pagtataguyod ng rules-based order ang hatid ng makasaysayang trilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan.



Ito ang pananaw ni House Speaker Martin Romualdez bago ang inaabangang pulong ng tatlong leader sa Washington, D.C. na inaasahang sesentro sa pagpapatibay ng "ironclad" na alyansa ng mga bansa at pagsusulong ng magkabahaging interes at paggalang sa rules-based international order.


Sinabi ni Romualdez na hindi lamang ito magsisilbing makapangyarihang simbolo ng pagkakaisa kundi isang panawagan na pagtibayin ang commitment sa pagtalima sa international law na siyang haligi ng pangmatagalang kapayapaan, stability at kaunlaran.


Umaasa rin ang House leader na ang lumalawak na suporta ng international community sa mga panawagan sa lahat ng partido na sumunod sa rules-based order at freedom of navigation ay makatutulong sa pagpapahupa ng tensyon sa West Philippine Sea.


Paliwanag nito, mahalaga ang pagpapalamig sa sitwasyon sa WPS para sa mga ordinaryong Pilipinong mangingisda na ang hanapbuhay ay lubhang naapektuhan ng isyu sa seguridad lalo na sa Exclusive Economic Zone.


Bukod dito, nagsisilbi umanong critical hub ang WPS para sa global commerce kung saan tinatayang limang trilyong dolyar na halaga ng kalakal ang dumaraan taun-taon na katumbas ng 60 percent ng global maritime trade at mahigit 22 percent ng total global trade.


Dagdag pa ni Romualdez, nakabubuti ang malayang paglalayag ng mga bansa sa kalakalan, komunikasyon at regional security kaya tiwala ito na ang pulong nina Pangulong Bongbong Marcos, US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida ay magiging produktibo sa pagpapatibay ng kooperasyon at pagtatanggol sa karapatan.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home