Suportado ni House Committee on Transportation Vice Chairperson at Quezon Representative Reynante Arrogancia ang isinusulong na pagpapalawak sa motorcycle taxi program sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Arrogancia, posibleng ito na ang solusyon sa mga suliranin at kakulangan sa transportasyon lalo na sa rural areas kung saan naiiba ang sitwasyon kumpara sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao.
Kailangan lamang aniya ng wastong training at proteksyon, mahigpit na pagpapatupad ng helmet at batas-trapiko, driving history screening at nararapat na pasahe.
Ipinaliwanag ng kongresista na sa mga probinsya ay karaniwang tricycle at motorsiklo ang uri ng transportasyon dahil hindi abot-kaya para sa mga residente ang pagrenta o pagbili ng sasakyan.
Limitado rin umano ang access sa digital platforms para sa pagbo-book ng transport vehicle at maging ang ruta ng mga pampasaherong jeepney ay hindi sapat.
Dagdag pa ni Arrogancia, dapat magtakda ng panuntunan para sa lahat ng motorsiklo na ipatutupad ng local government units at Philippine National Police.
Kabilang na rito ang paglalagay ng specific reflectorized markings at stickers, pagtatakda ng curfew sa mga motorsiklo partikular sa highway at residential areas at paglalatag ng rational route plan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home