Tuesday, April 09, 2024

Tututukan ng liderato ng Kamara ang sitwasyon ng mga lokal na magsasaka lalo na ang mga producer ng sibuyas sa bansa.


Ayon kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, nakikipag-ugnayan sila sa House Committee on Agriculture and Food at iba pang ahensya ng pamahalaan upang mapag-aralan ang kalagayan ng onion farmers na pinagsasamantalahan umano ng traders.


Hinahakot kasi aniya ang kanilang mga pananim sa di makatarungang halaga.


Punto ni Tulfo, tila kakailanganin ng aktibong paghabol at pagpapanagot sa mga trader na inaabuso ang mga magsasaka na nakakaapekto naman sa presyuhan ng sibuyas sa palengke.


Ang diskarte umano ng mga mapagsamantala ay pinahuhupa lamang ang isyu at kapag tahimik na ay saka muling mamamakyaw ng mga sibuyas sa presyong bagsak at maaaring itinatago at ibinebenta sa mas mataas na halaga sa merkado.


Iginiit pa ng kongresista na bukod sa mga lokal na magsasaka ay kawawa rin ang mga mamimili dahil sa taas ng presyo ng bilihin gaya ng sibuyas.


Dahil dito, isa sa mga pinag-aaralan ng grupo ni Tulfo ay ang pag-aangkat ng sibuyas kung kinakailangan upang maibaba ang presyo nito.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home