Tiniyak ng liderato ng Kamara sa pakikipagtulungan ng House Committee on Agriculture at iba pang mga ahensya ng pamahalaan na patuloy na susubaybayan ang kalagayan ng mga magsasaka, partikular na ang mga nagtatanim ng sibuyas.
Ito ayon kay ACT CIS partylist Representative Erwin Tulfo ay kaugnay na rin sa mga ulat nang patuloy na pagsasamantala ng ilang negosyate sa mga local producer ng sibuyas na binibili lamang sa murang halaga.
Ayon pa sa mambabatas, kinakailangan ang masigasig na pagabantay upang hindi mapagsamantalahan ang mga nagtatanim at maibenta sa tamang presyo ang kanilang mga ani.
Una na ring nagsagawa ng pagbisita sina Tulfo kasama si Speaker Martin Romualdez sa mga palengke at mga bodega sa Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa pag-iimbak ng mga agricultural products tulad ng sibuyas na dahilan upang tumaas ang presyo sa mga pamilihan.
Enero ng nakalipas na taon nang umabot sa 600 piso ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa mga palengke.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home