DUDA SI REP. BARBERS KAY PDEA LEAKS RESOURCE PERSON MORALES SA KRIDIBILIDAD NITO BILANG TESTIGO
Nagtataka si Surigao de Norte Rep at Committee on Dangerous Drugs Chairperson Robert Ace Barbers sa kaduda-dudang pagkaka-ugnay ni Jonathan Morales, ang dating agent ng Philippine Drug Enforcement Agency na nasa likod ng diumano’y "PDEA Leaks" na nag-uugnay sa ilang celebrity at opisyal ng gobyerno sa ilegal na droga.
Sinabi ni Barbers na base sa mga ulat ay natanggal itong si Morales sa serbisyo sa Philippine National Police PNP bago Iito mag-apply sa PDEA.
Mula sa pagiging dismissed agent ay nagbabalat-kayo umano si Morales ngayon bilang anti-drug crusader sa ilalim ng grupong "Anti-Drug Advocate Laban ng Pamilyang Pilipino Center for Investigative Regulatory Compliance".
Nasangkot din aniya si Morales sa 8 million-peso extortion sa isang suspected Filipino-Chinese drug lord sa Binondo, Maynila at sa isang congressional hearing ay nagsinungaling umano ito nang amining inutusan siyang magtanim ng ebidensya sa isang shabu laboratory sa Pampanga.
(Noong nakaraang buwan naman ay muling lumutang si Morales para i-authenticate ang PDEA operational documents na may petsang March 11, 2012 na nagdadawit kina Pangulong Bongbong Marcos at aktres na si Maricel Soriano sa ilegal na droga, bagay na mariing pinabulaanan ni PDEA Chief Virgilio Lazo.)
Nagtataka naman si Barbers kung bakit naimbitahan sa pagdinig ng Senado si Morales na ang layunin lamang ay imbestigahan ang pagkakasabat sa 9.68 billion pesos na halaga ng shabu sa police checkpoint sa Alitagtag, Batangas.
Suspetsa tuloy ng kongresista, tila nilalagyan ng drama ang pagdinig nang isama bilang resource person si Morales.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home