Thursday, May 09, 2024

Hindi matatawag na peace o prayer rally ang mga pagkilos nina Duterte, kundi isang paninira lamang -Cong. Inno Dy


PARA KAY House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Congressman Faustino “Inno” A. Dy, hindi matatawag na “peace o prayer rally” ang mga inilulunsad na pagkilos ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kundi isang pagtatangka na sirain ang imahe ni President Bongbong R. Marcos, Jr.


Sa isang Press Conference sa Kamara de Representantes, sinabi ni Dy na bilang kasapi ng gobyerno. Labis nitong ikinalulungkot ang patuloy na pandudurog na ginagawa ng kampo ng dating Pangulo laban sa administrasyong Marcos, Jr. sa pamamagitan ng di-umano’y peace o prayer rally. 


Binigyang diin ni Dy na halatang-halata na ikinukubli lamang nina Duterte sa pamamagitan ng “peace o prayer rally” ang kanilang mga pagkilos. Subalit nagdudumilat naman ang katotohanan na pawang paninira at pangdudurog lamang sa Pangulong Marcos, Jr. ang totoong layunin nito.


Ayon kay Dy, makikita sa mga pagkilos ng kampo nina Duterte na hindi naman talaga nila isinusulong ang tema ng peace o kapayapaan. Bagkos kundi ang lantarang pangbabastos, pamamahiya at paninira kay Pangulong Marcos, Jr. ang ginagawa ng mga kaalyado ni Duterte sa nasabing pagtitipon.


Tinatawag nilang peace or prayer rally. Pero ironic nga po, it’s not about peace kundi puro paninira lamang ang nangyayari at puro pambabastos sa ating Pangulo. But they are not offering other solutions to solve the problem. Ako po ay nagtataka kung bakit patuloy itong nangyayari,” paliwanag ni Dy.


Gayunman, naniniwala si Dy na sa kabila ng patuloy na panggigiba at paninira na ginagawa ng mga alipores ni Duterte laban sa administrasyon. Hindi parin aniya matitinag ang pamahalaan na ipagpatuloy ang mandato nito na pagsilbihan at paglingkuran ang mamamayang Pilipino.


“Nakakalungkot nag anito parin ang sitwasyon nil ana sinusubukan nilang siraan ang ating Pangulo. Pero hindi naman basta-basta matitibag ang popularity at support ng ating mga kababayan sa ating mahal na Pangulo,” wika pa ni Dy.



———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home