PAGPAPALIBAN NG SUSUNOD NA BARANGAY AT SK ELECTIONS, ISINUSULONG SA KAMARA
Ipinanukala ni Camarines Sur Second District Representative LRay Villafuerte na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sa susunod na taon.
Sa HB10344 ni Villafuerte, nais niyang iurong ang BSKE mula December 1, 2025 na gawing October 26, 2026 at pagkatapos ay kada tatlong taon na.
Sinabi ni Villafuerte na masyadong maiksi ang kasalukuyang termino ng mga lokal na opisyal na dapat sana ay fixed three-year term alinsunod sa mga probisyon ng 1987 Constitution at Local Government Code of 1991.
Hindi naman aniya ito isang kontrata sa pagitan ng mga barangay official at botante at ang petsa ng susunod na halalan ay nakababawas sa obligasyon na pagsilbihan ang constituents pati na ang pananagutan sa kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila.
Paglilinaw ng presidente ng National Unity Party, hindi naman niya motibo na palawigin ang termino ng incumbent officials kundi binibigyan lamang ng sapat na panahon upang tuparin ang mga pangako.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO
Bukod sa postponement ng BSKE, nakasaad sa panukala na magsisimula ang panunungkulan ng nanalong kandidato ng November 30 samantalang ang mga incumbent ay mananatili sa kanilang puwesto hanggang mahalal at maging kwalipikado ang successor maliban kung pinatalsik o sinuspinde.
Gayunman, ang barangay at SK officials na ex officio members ng Sangguniang Panlalawigan, Sangguniang Panlungsod o Sangguniang Bayan ay maaaring magpatuloy sa pagiging miyembro hanggang sa susunod na BSKE.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home